Posts

Showing posts from April, 2011

Pag-ayon ng Kapalaran

Mula sa malayo, pinagmamasdan ko ang mga graduates na nakaupo sa harapan. Suot nila ang kanilang mga toga at ramdam ko ang "atmosphere" ng graduation. Marso 31, 2011, nasaksihan ko ang graduation ni ate. Nahuli kami nila nanay at ng nakababata kong kapatid na si Jonase sa nasabing event. Buti na lamang at nakarating kami sa PICC bago ang paglalagay ng hood at sabitan ng quadri medal. Dito kasi'y ang mga magulang ang dapat na maglagay ng hood at magsabit ng medalya sa kanilang gumagradweyt na anak. Noo'y palapit na si ate sa aming pwesto. Napakaganda niya at tila napakasaya niya. Sila tatay at nanay naman ay kapwa masasaya rin para sa kanya. Sabay nilang isinuot kay ate ang hood ng kanyang toga at pagkatapos ay sinabitan ng quadri medal. Bakas ang kasiyahan sa mukha ng aming mga magulang. Proud parents talaga. Habang ako naman ay abala sa pagkuha ng mga litrato, naramdaman ko nang unti-unting tumutulo ang aking mga luha, "Huwag muna ngayon... Ano ba 'yan, masy...