Joan, don't quit, ok?

I can't believe it's happening to me. I created this blog in order to share to others that being a quitter won't do any good. Yeah, it's true. :D Pero now? Hah!! I'm so having a haaaard time at school and I feel like giving up already.
------------------------------
Mahirap ang buhay kolehiyo lalo pa't kung Bio ka! : Merong isang bagay akong labis na iniingatan. Kung ano man ito, 'wag niyo nang alamin pa dahil tiyak sasabihin niyong ako'y mayabang. Clue: Becarios. Kung Tomasino ka, alam mo na kung ano ito. Pero kung hindi, basta 'yun na 'yun. :P
------------------------------
Pangarap kong magtapos sa kolehiyo ng may parangal. Kahit cum laude lang, ok na. Akala ko magiging madali ang takbo ng lahat lalo pa't buong high school life ko, Biology ang favorite subject ko at dito talaga ako mahusay. Dahil dito kaya ko piniling kuhanin ang kursong ito sa kolehiyo. At ngayon nga'y kolehiyala na 'ko. Haiii... nakapapagod. Lahat mahirap. Mahirap mag-adjust, makihalubilo sa mga tao, makipagkaibigan... mahirap maging estudyante sa USTe (kung acads ang pag-uusapan); oo, madali ang entrance exam (USTET) pero di mo sukat aakalaing napakahirap makakuha ng mataas na grado kung nakapasok ka na sa USTe.
------------------------------
------------------------------
Sa'min sa College of Science, 70% ang passing. Pero wala pa 'to kumpara sa Nursing na 85%. Anak ng Tipaklong!!! Sino bang tao ang makakagawa no'n?? Ikaklaro ko lang ah? Di ko 'to sinasabi para ipagmayabang na mataas ang standard ng USTe pagdating sa acads. Mahal ko ang USTe at aking ipinagmamalaki ang aking pagiging Tomasino ngunit batid ko rin na maraming magagaling na unibersidad sa Pinas. Sinasabi ko ang mga ito para idetalye ang mga karanasan ko sa nasabing unibersidad.
------------------------------
At ayun na nga, dahil sa ganitong passing mark, swerte at masaya na 'ko kung makapasa. Samantalang noong high school ako, hindi ako kuntento sa pasado. Ganito kahirap maging kolehiyo. At alam ko namang nakaka-relate ka, kung kolehiyala ka rin. Siyempre, dahil lahat naman ng college freshmen dumaraan sa ganitong sitwasyon. :(
------------------------------
Bukod sa nakadedepres na acads, andiyan din ang sangkatutak na epal sa klasrum. Masaya ko sa block ko. Yeah, 1BIO7's the best. Pero still, may mga tao pa ring plastik at masasama ang ugali. Ang daming mayayabang... mga feeling smart... Ngunit gayun pa man, batid kong masmarami sa kanila ay tunay kong mga kaibigan... isang bagay na talagang ipinagpapasalamat ko sa Diyos. >:D<
------------------------------
Nabanggit ko na ang paghihirap o ang problema ko sa pag-aaral, sa mga taong kasama ko sa klasrum. Pero meron pa. Sa sobrang layo ng bahay ko sa UST, palagi na lang akong pagod, pagod, pagod at pagod. Sa halip na gumawa ako ng assignments pag-uwi ko sa bahay, makatutulog ako at gigising na namomroblema dahil di ako nakapag-aral. Bukod sa mahirap ang mga pinag-aaralan namin, wala pa 'kong oras mag-aral sa bahay. Kung libre ako at walang ginagawa, itutulak ko ang aking sariling mag-aral ngunit matatagpuan ang sariling natulog lamang at nagsayang ng oras. Kung kaya naman, ito ang tanong ko sa'king sarili: "Ako pa ba ang dating Joana na grabe kung magsikap, desidido at determinadong abutin ang tuktok?"
------------------------------
------------------------------
------------------------------
Ang sagot? Di ko na alam. :) Ito ang malungkot na balita...
------------------------------
Simula nang maging college student ako, nagbago na'ng lahat sa akin. Nag-audition ako sa College of Science Dance Troupe. Pasensya na kung sasabihin ko ito, pero noong una, habang di pa 'ko sumasabak sa audition, inasahan kong matatanggap ako. Di ko 'to sinasabi dahil mayabang ako and everything, pero sa tingin ko kasi marami na 'kong karanasan sa pagsayaw at talagang ito ang hilig kong gawin. Sa pagsasayaw ako nakakukuha ng peace of mind and happiness. Haii... At noong nag-audition na'ko, batid kong di ako naging seryoso. Kung kaya naman nang mapanood ako ng mga hurado, para 'kong lampang di pa kailanman nakasayaw sa buong buhay niya. Pagkatapos nito'y tinanggap ko nang di ako makapapasok. At ayun nga, di nga ako natanggap. :(
------------------------------
Simula rin sa araw na ito'y naging 'bitter" ako sa pagsasayaw. Nabuo sa isip ko na ang pagsasayaw na dati'y palagay ko ay aking talento, ay di naman pala totoo. Sabi ko sa'king sarili, "Ang kapal ng mukha mong sumali sa dance troupe. Wala ka namang talent. Wala ka namang mapapala dun." Napakasaklap talaga.
------------------------------
Sa kabila ng kawalan ng pag-asa, naisip kong humanap ng isang bagay na pwede kong pagtuunan ng pansin. Dahil nga di ako naging mapalad sa pagsasayaw, sinubok kong pumasok sa "Mirage", ang opisyal na literary folio sa College of Science. Pagsulat ang naisip kong pasukan sa kadahilanang hilig ko rin itong gawin. Sa pagsusulat ko nailalabas ang aking nais sabihin.
------------------------------
Sa pangalawang pagkakataon ako'y nabigo. Ako mismo ay nagulat dahil higit na dinamdam ko ito kaysa sa dance troupe, gayung mashilig ko ang pagsasayaw. Siguro kaya ito naging masmahirap tanggapin ay dahil ginugol ko talaga ang oras ko rito. 3:00 ng hapon akong nagsimulang kumuha ng exam at quarter to 7pm na nang ako'y matapos. Naisip ko rin na baka kaya di ako natanggap sa dance troupe ay dahil sa "Mirage" ako destined na mapunta. Ayun pala, hindi ito totoo. Di ako nakatadhanang makapasok sa kahit sa'n sa dalawa.
------------------------------
Labis na kalungkutan ang naramdaman ko lalo pa't di ako kuntento sa buhay-estudyante na walang extracuricular activities. Ngunit siguro tama na rin ito. Mahirap ang kolehiyo, hindi ba? Siguro nga't masmabuti nang 'wag muna ako sumali sa kahit sa'n habang di ko pa alam kung pa'no maipagpapabuti ang aking acads.
------------------------------
Haii... Hindi ko alam kung pa'no babalik ang dating sigla ko sa pag-aaral. Hindi ko talaga alam. I don't want to quit, pero mukhang ito ang mangyayari. :(

Comments

  1. ok lang yan Joana......

    dream big, search for the RIGHT star... for your right destination. Hindi matatapos ang pag-asa sa isa o dalawang kabiguan...

    wow! oh yan nag-ala doctor love na naman ako Hahaha!

    I know what you're feeling right now (siyempre! halos araw-araw ba naman tayo magkasama eh... haha!)

    Basta, if today is not your day... maybe tomorrow or someday will be yours... - Zharmaine Antenor... woot! original yan! haha

    ReplyDelete
  2. thank you, zhar!! >:D< -joana

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

back in 2nd year high school

ito ang simula