ito ang simula

isa lamang akong ordinaryong taong maraming pangarap sa buhay. layunin nitong (second blogger) blog ko na siyempre, iblog ang lahat ng mga nais ko, partikular na sa pangangarap, paglaban at pagbangon mula sa pagkadapa.
minor pa lang ako, pero masasabi kong minsan na 'kong nadapa at nag-akalang hindi na makatatayo pa, ngunit dahil sa kagustuhan kong marating (at maabot) ang mga pangarap ko, nagsikap ako, lumaban sa halip na sumuko dala ng kahinaan ng loob, at nanalig sa Diyos. at ngayon, masasabi kong nagtagumpay ako sa labang ito. kung anuman ang ipinaglaban kong iyon, malalaman niyo sa susunod. :)
sa blog kong ito, ibabahagi ko ang mga karanasan ko at ng ibang tao kung sa'n ang pagsuko ay hindi kailanman option tuwing may kinahaharap o kinasasangkutan tayong problema.
sa ngayon, hanggang dito na lang muna. :)
salamat.

Comments

Popular posts from this blog

Joan, don't quit, ok?

back in 2nd year high school