back in 2nd year high school

Tandang-tanda ko pa yung unang araw ko sa Kostka School, QC. Kasama ko sila ate at Jonase na kapwa mga old students na. Graduating na si ate, at grade two naman ang brother ko. 2nd yr din pumasok si ate sa Kostka, samantalang si Jonase naman, doon naggrade one. Sa pagtapak ko sa Kostka, ibang klaseng atmosphere ang naramdaman ko, kabado ako, friendless...
Inasahan ko na gaya ni ate, 2nd yr. A (II-A) ako mapupunta under ni Mrs. Romela Sanga na sa mga kwento ni ate ay napakabuting teacher. Pero hindi. Nakita ko ang pangalan ko sa II-B at naka-indicate rin na sina Mr. Raymund Hernandez at Mr. Richie Hagos (kung sa'n wala 'kong idea kung sino ba sila) ang mga class advisers ko. And so hinatid na 'ko ni ate sa line ko at nagsimula na ang assembly. Para 'kong isang batang nangingilala pa lamang ng mga tao, namamangha sa kanyang mga nakikita (ibang mga mukha, magkakaibang tao...) at hindi makapaniwalang estudyante na nga ako ng Kostka...
Naaalala ko pa noon nung 1st year high school pa 'ko, madalas akong isama ni nanay sa Kostka dahil may meeting sila dun (officer sa Kostka si nanay). Madalas niyang ituro sa'kin ang mga ka-batch ko na sa future raw ay magiging classmates ko. Masaya akong pinagmamasdan sila, pinag-aaralan ang kanilang pag-uugali... Ngunit ni minsan ay hindi ko naisip na ililipat nga talaga ako sa Kostka.
I was an average student back in first year high school. Simple lang ako... may mga pangarap na 'ko noon, pero kailanman hindi ako gumawa ng paraan para makamit ang mga ito. Nag-aaral ako, pero hindi sapat ang oras na ginugugol ko sa pag-aaral. At dahil na rin sa madalas na katamaran, bihira lang akong maging "highest" sa class. Kadalasa'y pasang-awa ang mga marka ko... Yeah, im not good academically, but i used to be the best dancer in our class. That is, I-St. Martha. :D
. . . Sa tuwing nakikita ko sila ate at Jonase, nae-engganyo akong mag-aral. Dahil sila, madalas silang humakot ng awards... Mga "Best in English", "Best in Electronics", "First Honors", "Best in Reading", etc. Pero kahit anung gawin ko, hindi ko mabaling ang pansin ko sa isang bagay - ang mag-aral nang mabuti para makakamit din ng "unang" award.
It's sad 'coz I always felt like I don't & CAN'T make my parents proud.
At naisip ko, GOAL ang kailangan, DETERMINATION at FOCUS kung pa'no mararating ang goal na ito. ^_^
Sinabi ko sa sarili ko na magsisikap ako.
Nang mag2nd year ako, naging uhh... madali ang takbo ng buhay ko. I've set my goals & know my priorities. Nalaman kong hindi pala ako 'yung tipong good is enough. I wanted to be the best of what I can be. Gusto kong magkaroon ng magagandang grades and at the same time not give up dancing. Sumali ako sa Kostka Dance Troupe with my friends Laura and KatKat where I learned to balance academics and extra curricular activities.
Nagbukas ng maraming oportunidad ang Kostka sa'kin. And since minsan lang ito, I grabbed them. Makabubuti na kung nabigyan tayo ng opportunity, igrab na natin ito agad bago pa nating malamang huli na ang lahat. At lalong mabuti kung sa mga opportunities na ito, ay sisiguraduhin nating may maganda itong maibubunga.
. . . Parating sinasabi ni Tatay sa'min na kailangan naming galingan. Hindi niya ito sinasabi dahil gusto niyang kami 'yung maging number one, kundi dahil gusto niya na if ever hindi namin makuha 'yung top, at least we end up on the second place. Gusto niyang may bagsakan kami if ever hindi namin maabot 'yung number one goal namin. & I guess, he's TOTALLY, 100% right. :D
Masaya 'ko, that finally, durong the recognition day, may awards na rin akong naipakita sa parents ko.
- - - - - - - - - -
Hindi ako nagyayabang or anything. Ginusto at pinili kong ibahagi sa inyo ito dahil sa buo ko bilang isnag estudyante, ito ang una kong achievement. I know a lot of people think na they can't do something good and na they won't achieve anything. I, was too. Pero sa pagsisikap at sa sariling kagustuhang magtagumpay, nakita ko na marami rin pala akong kayang gawin. Kaya ko rin palang magsipag. I know, kaya niyo rin! :]

Comments

Popular posts from this blog

Joan, don't quit, ok?

ito ang simula